FILIPINO WORD: Takdang-aralin
ENGLISH TRANSLATION: Assignment
MEANING: Ay trabahong tinatakda ng isang guro, paaralan, o ibang edukasyonal na institusyon.
SENTENCE SAMPLE: May takdang-aralin ba tayong gagawin sa Filipino?
FILIPINO WORD: Silid-aralan
ENGLISH TRANSLATION: Classroom
MEANING: Ay isang espasyo para sa pag-aaral, isang silid na kung saan natututo ang mga bata at matanda ng iba’t ibang mga bagay.
SENTENCE SAMPLE: Ang silid-aralan ay lugar kung saan nag-aaral ang mga kabataan.
FILIPINO WORD: Silid-aklatan
ENGLISH TRANSLATION: Library
MEANING: Ay isang aklatan sa loob ng isang paaralan kung saan ang mga estudyante, kawani, at madalas, ang mga magulang ng pampubliko o pribadong paaralan ay may access sa iba’t ibang mga mapagkukunan.
SENTENCE SAMPLE: Jessa, sa silid-aklatan tayo kumuha ng mga data at impormasyon natin sa pananaliksik.- FILIPINO WORD: Payneta
ENGLISH TRANSLATION: Comb
MEANING: Ay ginagamit pang-suklay ng buhok.
SENTENCE SAMPLE: Nasaiyo ba ineng ang aking payneta? - FILIPINO WORD: Pook
ENGLISH TRANSLATION: Place
MEANING: Ang pook ay lugar.
SENTENCE SAMPLE: Sa malayong pook ang pupuntahan natin kaya ngayon ay magpahiga ka muna. - FILIPINO WORD: Duyog
ENGLISH TRANSLATION: Eclipse
MEANING: Ang paglalaho ng buwan
SENTENCE SAMPLE: Mamayang gabi ay magkakaroon ng duyog sa silangan. - FILIPINO WORD: Labaha
ENGLISH TRANSLATION: Razor
MEANING: Ay isang istrumentong ginagamit pang-ahit ng buhok.
SENTENCE SAMPLE: Ang labaha ang ginagamit kong pang-ahit ng aking mga balbas sa aking mukha. - FILIPINO WORD: Kalupi
ENGLISH TRANSLATION: Wallet
MEANING: sisidlan ng pera.
SENTENCE SAMPLE: Nawawala ang kalupi ni Aling Martha nung siya ay nag-punta ng palengke. - FILIPINO WORD: Pulot-gata
ENGLISH TRANSLATION: Honeymoon
MEANING: Isang bakasyon para sa mga bagong kasal.
SENTENCE SAMPLE: Pagtapos ikasal ng aking ate ay agad silang nagpunta sa Coron para sa kanilang pulot-gata. - FILIPINO WORD: Sulatroniko
ENGLISH TRANSLATION: Email
MEANING: Pag pasa ng mga mensahe tungo sa isang kompyuter patungo sa isang kompyuter.
SENTENCE SAMPLE: Ako ay nagpadala ng sulatroniko sa aking guro upang ipasa ang aming takdang-aralin.